Followers

Sunday, 22 May 2016

MURA BA?

MURA BA?

Nung nagsisimula na akong mag ads online, nakakatuwa kasi ang dami kong inquiry. Siguro sa isang araw hindi baba sa 5 ang tawag ko maghapon iba pa yung inquiries sa text at email. Isa lang ang napansin ko. Ang mga pilipino mahilig sa MURA.

Pag nag ads ako na ang caption e "3K per month house and lot" hala dagsa na ang inquiries ko. Ang nakakatuwa lang pag nalaman na kung saan ang location nalulungkot na sila. Nawawalan na ng gana na parang mali ang ads ko. hahaha. Yun siguro ang dapat nating solusyunan. May magtatanong pa sa akin kung "Meron ba nyan sa manila area?" Isa lang ang sinasagot ko palagi pag tinatanong ako ng ganon, Tinatanong ko sila kung taga saan sila currently at kung nagrerent ba sila. Pag ang sagot sa akin e taga manila kami at nagrerent. susunod kong itatanong kung magkano ang rent nilla. syempre mas malaki sa 3k ang rent nila kaya nga mas gusto nila ng mura e. Pero yun nga ang point, wala kasing Manila area na 3K kung ang upa pa nga lang e halos 3K na for bedspace at 5K kung studio type o maliit na room na, tapos maghahanap sila ng house and lot na 3K sa manila.  

Nakakalungkot lang kasing isipin na karamihan sa ating mga pinoy ay hindi kasi informed. Marami kasi sa atin sa kagustuhan na malapit sa pinapasukang trabaho tinanggap na lang na nagrerent lang tayo habang buhay. Maraming di na nangarap magkaroon ng sariling bahay dahil iniisip na hindi naman nila kaya sa present nilang kita. Maraming ayaw na magkaroon ng sariling bahay kasi mahal at kung may mura man malayo naman. 

Pero alam mo ba na maraming project sa Pilipinas na mura lang at pasok sa budget ng pangkaraniwang manggagawang Juan dela cruz? Mga project na pwedeng pwede mong ipasok sa pag-ibig. Pero uunahan ko na po kayo WALA pong ganito sa MANILA AREA. 


Wellington Residences Tanza Cavite: Model Houses


3BR, 1TB House and Lot Located in Sta. Rosa Laguna

Ang mga ganitong presyo po ng bahay ay strategically nasa location ng mga probinsyang Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, at Pampanga.


1BR, 1TB House and Lot in Mexico Pampanga and Pandi, Plaridel Bulacan

2BR, 2TB House and lot in Sto. Tomas Batangas



Pero ang lagi nating iisipin. Puno na ang Maynila at mga karatig lugar nito kaya po ang Gobyerno at mga Developer po natin ay gumagawa ng mga hakbang na gawin nadin modernisado ang mga karatig probinsya gaya ng mga nabanggit ko ng mga lokasyon. Maraming proyektong infrastraktura ang Gobyerno natin ngayon na magpapadali ng Transportasyon, Edukasyon at Pamumuhay sa mga nasabing probinsya na yan. Unti unti na din yan napapasok ng mga negosyo tulad ng mga malls. Nagiging lugar na din yan para sa makabagong development ng pabahay. Unti unti na din nagkakaroon ng mga trabaho tulad ng BPO. 

Kaya darating ang panahon na magugulat tayo dahil ang Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at Pampanga e magiging parang katulad na din ng Metro Manila. At Maswerte ang mga taga doon na at hindi na kailangan pang pumunta ng Maynila para magtrabaho. Maswerte ang mga naunang nakabili na doon ng lupa sa mura pang halaga.

Ang mundo ay umiikot at mabilis na nagiging progresibo pasulong. Maswerte ang mga taong tumatanggap ng pagbabago at gumagalaw ng naayon dito. Change is constant. Laging nagbabago ang lahat at walang mangyayari sayo kung hindi ka sasabay sa pagbabagong ito.

Minsan na nagba-byahe kami ng nanay ko sa Shaw blvd. Sabi nya "Sinong magsasabi na magiging ganito ang Mandaluyong e puro talahib lang ito dati." that's the point noong 60's 70's 80's baka nga talahiban pa ang Mandaluyong kagaya ng Bulacan at Cavite. Who knows, 10 yrs or 20 yrs from now ano na ang Bulacan at Cavite. =)











No comments:

Post a Comment