BOTA.
Blogging. Bago. Ngayon ko pa lang gagawin.
Naisip ko, paano kaya ako magsisimula? Tsaka tungkol saan ba ang gusto kong isulat?
Intro muna:
Ako po si Maria Grace Batarilan isang licensed Real Estate Broker. Actually kakapasa ko
palang this year's exam, February 28, 2016 to be exact. Bago palang.
Kailan po ako nagsimula sa Real Estate Business? Year 2013 ko sya ide-date kasi sa taon kong yan nakuha ang una kong benta na bahay bilang isang Real estate sales person. Raket lang sya nung umpisa. Part time job para sa isang babaeng kulang ang kinikita kahit na sobrang sipag na empleyado. naks! siguro hindi lang kasi ako yong tipong mabilis makontento. o mas tama sigurong sabihin na bilang empleyado GIPIT lang talaga ako hahaha! (Panganay. head of the family) kaya lahat pinapatos ko. Pagtitinda ng kung ano ano. Kahit nga paputok tuwing bagong taon pinapatos ko na basta pagkakakitaan. =)
Unang sabak ko sa Real estate industry di ko type siguro kasi natrauma ako sa unang experience kong benta. (wag na po natin alamin kung saan yun. hahaha) di ko na po iyon binibenta. Pero merong malakas na pwersa na pilit akong pinababalik sa industriyang ito. Ewan ko, parang tadhana na kahit anong iwas mo at the end doon ka pa din mapupunta? Sabi ko nalang, kung saan ako gustong dalhin ni God doon ako.
Year 2015, January palang na-introduce na ako sa DRIVEN Marketing Group Inc. Sabi ko ayos to, lahat binibenta, hindi kagaya nung una kong nasalihan na puro cavite lang. Sabi ko. PWEDE. Pero dahil nga empleyado ang lola nyo, dko pa agad na-focus-an. part time. part time. di masyado seryoso. until July sabi ko sa sarili ko kung gusto kong umasenso dapat gumawa ako ng paraan. Isa pa nainspired talaga ako sa kasamahan namin na nakabenta ng 61 MILLION isang benta lang???? Sinong matino ang di mamomotivate? Sabi ko gusto ko din noon. July 12, 2015 graduate na ako ng DREAM (eto ung seminar sa DRIVEN para maging activated ka as member ng isang broker's team) at dahil di pa ako broker nyan. under pa ako sa ibang broker (sa bf ko naman. broker sya e. weee <3) After ko ng DREAM sabi ko kelangan ko ng makabenta. Ice break ba. aba January pa ako naintroduce sa DRIVEN July na wala pa akong benta. Alam nyo yung "Law of attraction"? Yung the more daw na iniisip at sinasabi mo ang isang bagay yun daw ang mangyayari. Wala lang masyadong malakas ang paniniwala ko na makakabenta ako ng July e. nag set pa nga ako ng amount ng benta ko hahaha - Sabi ko dapat every month. atleast 1M ang benta ko di pwedeng bumaba. Minimum ko na yun. So gusto ko ang First benta ko 1M din ang presyo. At dahil kinulit ko ng kinulit si Universe na yon ang gusto ko. July 27, 2015 binigay nya skin ang aking Ice break sale. sa halagang
1.1M hahaha. =D
And the rest is history. Syempre di ako pumapayag na wala akong benta buwan buwan. sobrang nakaka-addict sya na naisip ko ayaw kong maging sales person for the rest of my life sa business na to. So October 2015 gumawa ako ng isang suntok sa buwan na desisyon. Nagresign ako sa corporate work ko at nag review ako for Broker's Licensure Exam at pinalad naman akong pumasa. So ngayon wala ng atrasan aba sobrang dasal ang ginawa ko ke Papa God para maging broker ako. Sobrang pinagtsagaan ko talagang mag aral dahil di ako pwedeng bumagsak eto na ang last shot ko e. di na ako pwedeng umulit (Last na daw na exam for graduate of any course not related to Real estate Management) Yes tama po. Course na ngayon ang pagiging isang real estate professional. =)
Bakit nga ba ako napasok sa industry na to? Siguro kasi:
-Gusto ko yong pakiramdam na nakakapag-educate ako ng mga tao
para makakuha sila ng sarili nilang bahay. yan ang top reason ko.
-Gusto ko yung madaming nakikilalang tao. madaming nagiging parte ng buhay ko.
-Gusto ko yung pakiramdam na nakakatulong ako sa ibang tao na maachieve yung pangarap nila
-Gusto ko yung pakiramdam na pinapasalamatan kasi nakagawa ako ng mabuti sa iba.
-Gusto kong nakakakita ng mga nakangiti kasi masaya sila.
-Gusto kong makatulong na mag solve ng poblema - yung satisfaction na nararamdaman mo pag nakaisp ka ng solusyon sa poblema
-Gusto kong umaalis alis. Mabilis kasi akong ma-bored.
-Gusto kong nakakarating kung saan saang lugar at nakakakita ng mga maganda sa paningin ko.
-Gusto kong nakakakita ng ibat ibang uri ng bahay - Model house - Yung parang bata na naglalaro ng doll house. hehe
-Gusto ko yung idea na wala akong boss at sarili ko ang boss ko at ung client ko.
-Gusto ko yung idea na hindi ko kailangan gumising ng maaga at makipag laban sa pag sakay ng MRT papasok sa trabaho
-Gusto ko yung idea na hawak ko ang sarili kong oras. Yung tipong dko kelangan pilitin ang sarili kong pumasok everyday dahil paulit ulit na yung ginagawa ko.
-Gusto ko yung idea na ung kinikita ko e proportion sa trabaho na ginagawa ko. Hindi yung mamamatay ka na kakaovertime sa trabahong di mo naman kahit kelan ikakayaman.
Yung mga gusto kong gawin na andito sa Real Estate Business at wala sa Corporate. Yan yung mga nagmomotivate sa akin araw araw. Yan yung mga reason bakit mas madalas naiisip kong tama ang reason ko bakit ako nagresign at nasa tamang landas ako. Dahil dito ako ni-le-lead ni God. =)
Isa pa kaya siguro andito ako sa profession na ito kasi isa ako sa mga taong walang sariling bahay. Alam ko yung pakiramdan na nakatira sa isang bahay na anytime nanganganib na mapaalis. Lumaki ako sa Lugar na ang hawak lang ng mga magulang ko ay rights sa bahay na tinitirhan namin. Yung tipong everytime na election iniisip mo na, "naku sino kaya ang nananalo sana hindi tau paalisin dito". Sobrang congested ng lugar na tipong pag nagkakasunog alam mong wala ng matitira sayong kahit na ano. Sa edad kong to siguro 3 Major ng sunog ang nalusutan ng bahay namin, at sa 3 yun isa lang ang masasabi ko nakaka-trauma. =(
Malabon. Laging baha. Kasama na ata sa buhay namin na halos taon taon kelangan namin lumusong sa baha. Nung una ok lang e. tinatanggap nalang. Kasi sa kalsada lang naman. di pumapasok sa bahay namin. Aba ngayon malala na. Hanggang sa loob ng bahay namin baha na din. Nakakalungkot. Nung una, since hindi pa ako familiar sa industry ng pabahay. Ang naging solusyon ko para sa mga magulang ko e bilhan sila ng bota. hahaha. Pakiramdam ko kasi yun lang sapat na. Basta di lang magkasakit gawa ng baha. Until Ondoy and Habagat. Ang BOTA na binili ko walang silbi. Ubos ang gamit nmin at hanggang ngayon di pa din nakakarecover ang bahay namin sa impact ng baha na paulit ulit namang nangyayari sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, hindi na BOTA lang ang solusyon sa poblema ko. BAHAY ang kelangan kong gawing solusyon. at dahil nasa ganito na akong industriya naun. Siguro isa sa mga nakaka-proud na nagawa ko sa buhay ko ay nai-alis ko na sa Malabon ang mga magulang ko kasi nabilihan ko na sila ng bahay sa Dasmarinas Cavite. Yung bahay na hindi lang rights ang hawak ko. kasi alam kong may titulo yun at sa akin maipapangalan the moment na matapos ko syang bayaran sa Pag-ibig.
Yung tipong di na ako mawoworry kahit kelan na mababaha pa sila. Kasi may Bahay na silang bago. May bahay na kami. Yun yung napakasarap na feeling na gusto kong i-share. Na gusto ko din Maramdaman ng ibang tao na kakilala ko man o makikilala palang na may kapareho kong sitwasyon. Yung pakiramdam na may naachieve ka at nagawa mong magkaroon ng sarili mong bahay kasi kaya mo naman pala. Hindi mo lang kasi alam nung una. Kaya mo naman pala. Wala ka lang chance na may makausap na mag eexplain sayo kung paano. Kaya mo naman pala kaso mas iniisip mong nakakatakot gawin kaya delay ka ng delay sa pag dedesisyon mo. Kaya mo naman pala.
Lalo na kung meron sayong tutulong kung paano. =)
No comments:
Post a Comment