Followers

Wednesday 31 January 2018

CONDO NA PWEDE SA PAG-IBIG - MALAPIT SA MRT BONI

CONDO NA PWEDE SA PAG-IBIG - MALAPIT SA MRT BONI

Isa ka ba sa mga Yuppies (Young Pro) na nag wo-work along edsa? Gusto mo ba ng unit na pwede mong matirahan para maging madali ang lahat? Maging accessible ka sa lahat ng possible transportation at affordable price? Pwedeng pwede mo pang ipasok sa PAG-IBIG.

 Presenting!!! 


Sunshine 100 by Federal Pioneer Dev't Corp. Strategically located along Pioneer Mandaluyong. Near establishments are Axis, Robinsons Gateway Garden, Cybergate3, Robinson Pioneer. MRT Boni Station.

FREE BASIC FURNITURE na din bawat unit. Tulad ng Double Bed, Dining table and chair, L-type Sofa, Cabinet, Cup board at Washing machine Cabinet! o di ba? Gamit at mga damit mo nalang ang dadalhin mo. =)

Tower 1 Sunshine 100 RFO units available 1BR with loft and 2BR (Pre selling Tower 2)

Please see Sample computation for your reference:

Sample Computation : 30.80 sqm 1BR with Parking - 10-90% Bank Financing

Selling Price 2,797,343.47
Promo Discount      (209,800.76)
Parking Price           850,000
Net Selling Price 3,437,542.71

10% DP                         343,754.27
Less Reservation Fee        20,000.00
DP for 24 mos                  13,489.76


90% Balance (Thru Bank) 3,093,788.44

@ 6.75% Estimated Rate
15 years: 27,377.23
10 years: 35,524.15
5 years: 60,896.46

*******************************************************************************

Sample Computation : 30.80 sqm 1BR with Parking - 20-80% Bank Financing / PAG IBIG

Selling Price 2,797,343.47
Promo Discount             (209,800.76)
Parking Price      850,000
Net Selling Price 3,437,542.71

10% DP      687,508.54
Less Reservation Fee        20,000.00
DP for 24 mos                  27,812.86


90% Balance (Thru Bank) 2,750,034.17

@ 6.75% Estimated Rate
30 years (Pag ibig): 17,836.67
25 years (Pag ibig): 19,000.30
20 years (Pag ibig): 20,910.27
15 years: 27,377.23
10 years: 35,524.15
5 years: 60,896.46
1 BR Model Unit
1 BR Model Unit










Monday 30 May 2016

GIVE ME 5!!! (50% OFF sa DOWNPAYMENT!!!! HURRY!!!! LIMITED OFFER ONLY!!!)

Give Me 5!!! (50% OFF sa DOWNPAYMENT!!!! HURRY!!!! LIMITED OFFER ONLY!!!)

Naghahanap ka ba ng project sa Bulacan na makakalipat ka agad??? Mababa lang ang Down payment dahil 50% ang discount??? Pwes eto na yun!!! 2K lang halos ang Monthly mo!!!


House and lot in Pandi Bulacan



50% OFF sa DOWNPAYMENT!!!! HURRY!!!! LIMITED OFFER ONLY!!!
Contact me for details: 09178717118 or 09255472242

Affordable na, mas pinababa pa sa Lumina Pandi Bulacan. Slash 50% sa downpament ni client.

Ang dating 47,355 na DP (3K as reservation fee), ngayon 23,718 nalang. Kaya tara na sa barangay Lumina. 

See flyers attached for more details.

Lumina Pandi
Developer: Vistaland
Location: Pandi-Angat road, Bgy. Pinagkuartelan, Pandi, Bulacan
Unit: Airene bare unit
Min. Lot Area: 36 sqm.
Floor Area: 22 sqm.
Total Contract Price: 474,355
Downpayment: 23,718 (promo)
Reservation Fee: 3,000
DP in 3 months: 6,906
Pag-ibig Financing
Loanable Amount: 430,000
Estimated Monthly Amortization:
15 yrs: 3,746
20 yrs: 3,206
25 yrs: 2,906
30 yrs: 2,718



Sunday 22 May 2016

MURA BA?

MURA BA?

Nung nagsisimula na akong mag ads online, nakakatuwa kasi ang dami kong inquiry. Siguro sa isang araw hindi baba sa 5 ang tawag ko maghapon iba pa yung inquiries sa text at email. Isa lang ang napansin ko. Ang mga pilipino mahilig sa MURA.

Pag nag ads ako na ang caption e "3K per month house and lot" hala dagsa na ang inquiries ko. Ang nakakatuwa lang pag nalaman na kung saan ang location nalulungkot na sila. Nawawalan na ng gana na parang mali ang ads ko. hahaha. Yun siguro ang dapat nating solusyunan. May magtatanong pa sa akin kung "Meron ba nyan sa manila area?" Isa lang ang sinasagot ko palagi pag tinatanong ako ng ganon, Tinatanong ko sila kung taga saan sila currently at kung nagrerent ba sila. Pag ang sagot sa akin e taga manila kami at nagrerent. susunod kong itatanong kung magkano ang rent nilla. syempre mas malaki sa 3k ang rent nila kaya nga mas gusto nila ng mura e. Pero yun nga ang point, wala kasing Manila area na 3K kung ang upa pa nga lang e halos 3K na for bedspace at 5K kung studio type o maliit na room na, tapos maghahanap sila ng house and lot na 3K sa manila.  

Nakakalungkot lang kasing isipin na karamihan sa ating mga pinoy ay hindi kasi informed. Marami kasi sa atin sa kagustuhan na malapit sa pinapasukang trabaho tinanggap na lang na nagrerent lang tayo habang buhay. Maraming di na nangarap magkaroon ng sariling bahay dahil iniisip na hindi naman nila kaya sa present nilang kita. Maraming ayaw na magkaroon ng sariling bahay kasi mahal at kung may mura man malayo naman. 

Pero alam mo ba na maraming project sa Pilipinas na mura lang at pasok sa budget ng pangkaraniwang manggagawang Juan dela cruz? Mga project na pwedeng pwede mong ipasok sa pag-ibig. Pero uunahan ko na po kayo WALA pong ganito sa MANILA AREA. 


Wellington Residences Tanza Cavite: Model Houses


3BR, 1TB House and Lot Located in Sta. Rosa Laguna

Ang mga ganitong presyo po ng bahay ay strategically nasa location ng mga probinsyang Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, at Pampanga.


1BR, 1TB House and Lot in Mexico Pampanga and Pandi, Plaridel Bulacan

2BR, 2TB House and lot in Sto. Tomas Batangas



Pero ang lagi nating iisipin. Puno na ang Maynila at mga karatig lugar nito kaya po ang Gobyerno at mga Developer po natin ay gumagawa ng mga hakbang na gawin nadin modernisado ang mga karatig probinsya gaya ng mga nabanggit ko ng mga lokasyon. Maraming proyektong infrastraktura ang Gobyerno natin ngayon na magpapadali ng Transportasyon, Edukasyon at Pamumuhay sa mga nasabing probinsya na yan. Unti unti na din yan napapasok ng mga negosyo tulad ng mga malls. Nagiging lugar na din yan para sa makabagong development ng pabahay. Unti unti na din nagkakaroon ng mga trabaho tulad ng BPO. 

Kaya darating ang panahon na magugulat tayo dahil ang Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at Pampanga e magiging parang katulad na din ng Metro Manila. At Maswerte ang mga taga doon na at hindi na kailangan pang pumunta ng Maynila para magtrabaho. Maswerte ang mga naunang nakabili na doon ng lupa sa mura pang halaga.

Ang mundo ay umiikot at mabilis na nagiging progresibo pasulong. Maswerte ang mga taong tumatanggap ng pagbabago at gumagalaw ng naayon dito. Change is constant. Laging nagbabago ang lahat at walang mangyayari sayo kung hindi ka sasabay sa pagbabagong ito.

Minsan na nagba-byahe kami ng nanay ko sa Shaw blvd. Sabi nya "Sinong magsasabi na magiging ganito ang Mandaluyong e puro talahib lang ito dati." that's the point noong 60's 70's 80's baka nga talahiban pa ang Mandaluyong kagaya ng Bulacan at Cavite. Who knows, 10 yrs or 20 yrs from now ano na ang Bulacan at Cavite. =)











Friday 20 May 2016

BOTA.

BOTA.

Blogging. Bago. Ngayon ko pa lang gagawin.

Naisip ko, paano kaya ako magsisimula? Tsaka tungkol saan ba ang gusto kong isulat?

Intro muna:

Ako po si Maria Grace Batarilan isang licensed Real Estate Broker. Actually kakapasa ko 
palang this year's exam, February 28, 2016 to be exact. Bago palang. 

Kailan po ako nagsimula sa Real Estate Business? Year 2013 ko sya ide-date kasi sa taon kong yan nakuha ang una kong benta na bahay bilang isang Real estate sales person. Raket lang sya nung umpisa. Part time job para sa isang babaeng kulang ang kinikita kahit na sobrang sipag na empleyado. naks! siguro hindi lang kasi ako yong tipong mabilis makontento. o mas tama sigurong sabihin na bilang empleyado GIPIT lang talaga ako hahaha! (Panganay. head of the family) kaya lahat pinapatos ko. Pagtitinda ng kung ano ano. Kahit nga paputok tuwing bagong taon pinapatos ko na basta pagkakakitaan. =)

Unang sabak ko sa Real estate industry di ko type siguro kasi natrauma ako sa unang experience kong benta. (wag na po natin alamin kung saan yun. hahaha) di ko na po iyon binibenta. Pero merong malakas na pwersa na pilit akong pinababalik sa industriyang ito. Ewan ko, parang tadhana na kahit anong iwas mo at the end doon ka pa din mapupunta? Sabi ko nalang, kung saan ako gustong dalhin ni God doon ako.


Year 2015, January palang na-introduce na ako sa DRIVEN Marketing Group Inc. Sabi ko ayos to, lahat binibenta, hindi kagaya nung una kong nasalihan na puro cavite lang. Sabi ko. PWEDE. Pero dahil nga empleyado ang lola nyo, dko pa agad na-focus-an. part time. part time. di masyado seryoso. until July sabi ko sa sarili ko kung gusto kong umasenso dapat gumawa ako ng paraan. Isa pa nainspired talaga ako sa kasamahan namin na nakabenta ng 61 MILLION isang benta lang???? Sinong matino ang di mamomotivate? Sabi ko gusto ko din noon. July 12, 2015 graduate na ako ng DREAM (eto ung seminar sa DRIVEN para maging activated ka as member ng isang broker's team) at dahil di pa ako broker nyan. under pa ako sa ibang broker (sa bf ko naman. broker sya e. weee <3) After ko ng DREAM sabi ko kelangan ko ng makabenta. Ice break ba. aba January pa ako naintroduce sa DRIVEN July na wala pa akong benta. Alam nyo yung "Law of attraction"? Yung the more daw na iniisip at sinasabi mo ang isang bagay yun daw ang mangyayari. Wala lang masyadong malakas ang paniniwala ko na makakabenta ako ng July e. nag set pa nga ako ng amount ng benta ko hahaha - Sabi ko dapat every month. atleast 1M ang benta ko di pwedeng bumaba. Minimum ko na yun. So gusto ko ang First benta ko 1M din ang presyo. At dahil kinulit ko ng  kinulit si Universe na yon ang gusto ko. July 27, 2015 binigay nya skin ang aking Ice break sale. sa halagang
1.1M hahaha. =D

And the rest is history. Syempre di ako pumapayag na wala akong benta buwan buwan. sobrang nakaka-addict sya na naisip ko ayaw kong maging sales person for the rest of my life sa business na to. So October 2015 gumawa ako ng isang suntok sa buwan na desisyon. Nagresign ako sa corporate work ko at nag review ako for Broker's Licensure Exam at pinalad naman akong pumasa. So ngayon wala ng atrasan aba sobrang dasal ang ginawa ko ke Papa God para maging broker ako. Sobrang pinagtsagaan ko talagang mag aral dahil di ako pwedeng bumagsak eto na ang last shot ko e. di na ako pwedeng umulit (Last na daw na exam for graduate of any course not related to Real estate Management) Yes tama po. Course na ngayon ang pagiging isang real estate professional. =)

Bakit nga ba ako napasok sa industry na to? Siguro kasi:

-Gusto ko yong pakiramdam na nakakapag-educate ako ng mga tao
para makakuha sila ng sarili nilang bahay. yan ang top reason ko.

-Gusto ko yung madaming nakikilalang tao. madaming nagiging parte ng buhay ko.

-Gusto ko yung pakiramdam na nakakatulong ako sa ibang tao na maachieve yung pangarap nila

-Gusto ko yung pakiramdam na pinapasalamatan kasi nakagawa ako ng mabuti sa iba.

-Gusto kong nakakakita ng mga nakangiti kasi masaya sila.

-Gusto kong makatulong na mag solve ng poblema - yung satisfaction na nararamdaman mo pag nakaisp ka ng solusyon sa poblema

-Gusto kong umaalis alis. Mabilis kasi akong ma-bored. 

-Gusto kong nakakarating kung saan saang lugar at nakakakita ng mga maganda sa paningin ko.

-Gusto kong nakakakita ng ibat ibang uri ng bahay - Model house - Yung parang bata na naglalaro ng doll house. hehe

-Gusto ko yung idea na wala akong boss at sarili ko ang boss ko at ung client ko.

-Gusto ko yung idea na hindi ko kailangan gumising ng maaga at makipag laban sa pag sakay ng MRT papasok sa trabaho

-Gusto ko yung idea na hawak ko ang sarili kong oras. Yung tipong dko kelangan pilitin ang sarili kong pumasok everyday dahil paulit ulit na yung ginagawa ko.

-Gusto ko yung idea na ung kinikita ko e proportion sa trabaho na ginagawa ko. Hindi yung mamamatay ka na kakaovertime sa trabahong di mo naman kahit kelan ikakayaman.


Yung mga gusto kong gawin na andito sa Real Estate Business at wala sa Corporate. Yan yung mga nagmomotivate sa akin araw araw. Yan yung mga reason bakit mas madalas naiisip kong tama ang reason ko bakit ako nagresign at nasa tamang landas ako. Dahil dito ako  ni-le-lead ni God. =)

Isa pa kaya siguro andito ako sa profession na ito kasi isa ako sa mga taong walang sariling bahay. Alam ko yung pakiramdan na nakatira sa isang bahay na anytime nanganganib na mapaalis. Lumaki ako sa Lugar na ang hawak lang ng mga magulang ko ay rights sa bahay na tinitirhan namin. Yung tipong everytime na election iniisip mo na, "naku sino kaya ang nananalo sana hindi tau paalisin dito". Sobrang congested ng lugar na tipong pag nagkakasunog alam mong wala ng matitira sayong kahit na ano. Sa edad kong to siguro 3 Major ng sunog ang nalusutan ng bahay namin, at sa 3 yun isa lang ang masasabi ko nakaka-trauma. =(

Malabon. Laging baha. Kasama na ata sa buhay namin na halos taon taon kelangan namin lumusong sa baha. Nung una ok lang e. tinatanggap nalang. Kasi sa kalsada lang naman. di pumapasok sa bahay namin. Aba ngayon malala na. Hanggang sa loob ng bahay namin baha na din. Nakakalungkot. Nung una, since hindi pa ako familiar sa industry ng pabahay. Ang naging solusyon ko para sa mga magulang ko e bilhan sila ng bota. hahaha. Pakiramdam ko kasi yun lang sapat na. Basta di lang magkasakit gawa ng baha. Until Ondoy and Habagat. Ang BOTA na binili ko walang silbi. Ubos ang gamit nmin at hanggang ngayon di pa din nakakarecover ang bahay namin sa impact ng baha na paulit ulit namang nangyayari sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, hindi na BOTA lang ang solusyon sa poblema ko. BAHAY ang kelangan kong gawing solusyon. at dahil nasa ganito na akong industriya naun. Siguro isa sa mga nakaka-proud na nagawa ko sa buhay ko ay nai-alis ko na sa Malabon ang mga magulang ko kasi nabilihan ko na sila ng bahay sa Dasmarinas Cavite. Yung bahay na hindi lang rights ang hawak ko. kasi alam kong may titulo yun at sa akin maipapangalan the moment na matapos ko syang bayaran sa Pag-ibig.

Yung tipong di na ako mawoworry kahit kelan na mababaha pa sila. Kasi may Bahay na silang bago. May bahay na kami. Yun yung napakasarap na feeling na gusto kong i-share. Na gusto ko din Maramdaman ng ibang tao na kakilala ko man o makikilala palang na may kapareho kong sitwasyon. Yung pakiramdam na may naachieve ka at nagawa mong magkaroon ng sarili mong bahay kasi kaya mo naman pala. Hindi mo lang kasi alam nung una. Kaya mo naman pala. Wala ka lang chance na may makausap na mag eexplain sayo kung paano. Kaya mo naman pala kaso mas iniisip mong nakakatakot gawin kaya delay ka ng delay sa pag dedesisyon mo. Kaya mo naman pala. 

Lalo na kung meron sayong tutulong kung paano. =)